PAGLISAN…

Paano mawawari sa ating gunita

Minamahal nati’y dagling mawawala

Masidhing paglisan, bakas yaring luha

Ang kinabukasa’y paano na kaya?

Iniwan mo kaming tuluyang umaasa

Sa ‘yong bagong tahana’y lubusang lumigaya

Tanging panalangin sa Dakilang Lumikha

Tanggapin nya nawa, iyong kaluluwa.

Mahirap limutin ang iyong kabutihan

Ipinamalas mong dangal at karangalan

Isa kang bayani’t tunay na larawan

Nang isang dakilang ilaw ng tahanan.

Ang buhay ng taong tinahak sa mundo

Ay tanging hiram lamang, hindi permanento

Kaya’t sa inyong mga naririto

Tanging masasabi’y mapapalad po tayo.

Malungkot na paalam ay bagong simula

Nang isang landasing tunay na pinagpala

Saan man naroroo’y lumigaya nawa

Darating ang panahong muli tayong magkikita.

Advertisements

2010 PRESIDENTIABLES

NARITO NA ANG MGA NANGANGARAP NA PAMUNUAN ANG ATING BANSA. HALINA”T KILALANIN NATIN SILA!

 

Si Bayani Fernando, ang dakilang mang-aawit

Mga vendor sa bangketa ang kanyang tinatarget

Ang pinupuna nya’y mga taong maliliit

Tiwaling opisyal, may ugaling bwiysit.

 

Makati city Mayor Jejomar Binay denounces the suspension order served to him and his entire city council by the Government during a news conference Tuesday Oct. 17, 2006 at his office at the financial district of Makati city, east of Manila, Philippines. Binay, an opposition stalwart who has irked Philippine President Gloria Macapagal Arroyo by allowing opposition groups to stage protests against her, refused to recognize the suspension order and vowed to fight as he remains holed up in his office with his supporters. (AP Photo/Bullit Marquez) From AP Photo by Bullit Marquez.

 

May sariling diskarte sa pamamahala

Ang taga-oposisyong napakatalas ng dila

Sa lungsod ng Makati, kilalang sugapa

Puwesto sa Malacañang, kanya ngang ninanasa.

 

f_lorenmface-21

Kilalang Senador na nuknukan ng diwara

Itong fashionistang si Loren Legarda

Talunang bise ng hari ng pelikula

Ngayo’y nangangarap na magbuhay reyna.

 

Magaling managalog, malalalim ang wika

Sa mga diskusyon, pumuputak ang bunganga

Kumbinsidong sa Senado’y meron syang nagagawa

Kung sya’y papalarin, Pangulong pinakabata.

 

Si Mike Velarde, kakampi ng militante

Sa EDSA man o Mendiola ay may prayer rally

Ang bisayang gunggong sinimulan ng magpapogi

Ang boboto sa kanya, tunay na ignorante!

 

Sinuwerte noong siya’ y tumiket kay Gloria

Sa mga survey ngayon, siya ang nangunguna

Endorser ng PAG-IBIG, Broadcaster ng masa

Sa anim na taon, mayron ba syang nagawa?

 

 Sa sipag at tiyaga nagmula ang yaman

Posisyon sa Senado ay kanyang binitawan

Nilibre ng pamasahe mga Pilipinang nag-uwian

Patalastas sa tv, kabi-kabilaan.

 

Ang jowa ni Korina, si Mr. Palengke

Sa hirrings ng senado’y present sya parati

Tutularan ang amang naging dating Presidente

Mukhang may pag-asa kung tatakbong bise.

 

Sangkot sa lahat ng mga anumalya

Itong dating Hepe nitong ating pulisya

Sa kuratong baleleng, lumutang siyang bida

Sa pagpaslang kay Dacer, sa paglutang ni Lozada.

 

 Pinakatiwali sa lahat ng tiwali

Ang gahaman sa puwestong humudas sa lipi

Nakikisawsaw pa sa usapan palagi

Wala namang alam kundi ang umarte.

 

Inyo pong nakilala mga kaibigan

Ang mga tatakbo sa darating na halalan

Kanilang plataporma ang ating pagbatayan

Mahusay na track record at kanilang kakayahan.

 

Hindi ang partido at paramihan ng angkan

Kahit pa salapi kanilang ipuhunan

Prinsipyo po nati’y huwag pabayaran

Iwasan po natin bulok na kalakalan.

 

Pagbabago lamang ang hangad ng lahat

Huwag tayong umasang di sila mangungurap

Lahat ng pulitiko’y maruming mangarap

Biglaang yumaman, walang paghihirap.

 

Sa inyong pagboto inyo sanang tandaan

Walang kamag-anak, walang kaibigan

Walang idolo at walang mga fans

Gamitin mong tama ang iyong karapatan.

PAGTATAPOS..

Kasabay ng tugtog ng martsang mosiko

Ay ang pagtayo nyaring aking balahibo

Sa nakakikilabot na musikang ito

Tagumpay ng sarili’t ng mga katoto..

 

Sa paglalakad ko sa kalagitnaan

Saki’y namamayani munting katuparan

Sa apat na taon ng pakikipaglaban

Munti kong diploma’y ganap ng makakamtan..

 

Buong-pusong handog sa mahal kong ina

Gayon din sa aking mapunyaging ama

Sa kanilang pagtaguyod at kanilang pagkalinga

Sa munti kong nakayanan, nawa sila’y lumigaya..

 

Akin nang iiwanan mahal kong paaralan

Tanging maiiwa’y ala-ala kailanman

Na sa tanang buhay ko’y di malilimutan

Mga natatangi’t kakatwang karanasan..

 

Paalam sa aking mga kapwa mag-aaral

Sa aking mga gurong nagsisikap araw-araw

Sa lahat ng bahagi nitong aking naging dangal

Gabayan nawa tayo ng Poong Maykapal..

 

Sa pagtatapos ko ngayong araw na ito

Tila lalong nadagdagan itong aking pagkatao

Para bang sinasabing may ibubuga ako

Sa mga darating pang hamon ng buhay ko..

 

Dinadangal ko ang lahat-lahat na

Ng mga tulad kong tagumpay ang nasa

Tayo’y kabataang mananatiling pag-asa

Nitong ating bayang kapos sa ginhawa..

 

Itaguyod natin ang pagsusumikap

Tamang adhikain at dagling paglingap

Manatili tayong may matayog na pangarap

At sama-samang abutin, sa araw ng bukas!

 

Mabuhay ang lahat ng graduates ng taong 2009! Nawa ay ipagpatuloy ninyo ang inyong nasimulan. Kayo, at tanging kayo lamang ang inaasahan ng ating bayan. Huwag nating biguin ang Diyos, ang sambayanan, ang ating mga magulang, at maging ang ating sarili. Sa inyo ko iniiwan ang lahat ng papuri sa inyong pagtatagumpay. Muli, Maligayang Pagtatapos at buong-pusong pagbati mula sa BALAGTAS WEB BLOG!

MASTER RAPPER (FRANCIS MAGALONA 1964-2009)

Isang komersyal lang ay lumabas na sila

Kanilang tangan-tangan, malungkot na balita

Na ikaw sa mundo ay namaalam na

Minamahal naming, Francis Magalona.

 

 

Nilisan mo kaming taglay ay musika

Tumatak sa isipan at puso ng masa

Mga kababayan, ngayo’y nagluluksa

Sa paglisan ng isang huwaran sa madla.

 

Bakas sa luha ng mga kaibigan

Sa mga libo-libong tagahanga’t mga fans

Sila ay patunay ng iyong iniwang

Mabuting pakisamang di matatawaran.

 

Pangarapin nawa ng lahat ng nasyon

Ang iyong pinangarap sa iyong panahon

Itaguyod nawa musika mo at misyon

Iyong ala-ala’y hindi maglalaon.

 

Paalam sa iyo, mahal kong Maestro

Musika mo’y kinubli na,  sa bukal niring puso

Ngayong wala ka na, pangungulila’t pagsamo

Gagabayan  mo nawa, MGA KABABAYAN KO..

 

MAALINDOG NA MULTO

Humampas ang hanging malakas na malakas

Umagos ang tubig na lumalagaslas

Sa iyong larawang nakagigilalas

Ang aking katinua’y marahang tumakas…

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Hinagkan mo ang aking tigang na katawan

Malamig mong kamay, gumapang na marahan

Dinilat ang mata at ika’y pinagmasdan

Sumilay sa akin angkin mong kagandahan…

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –  

Ang iyong pagdating lubos kong ‘kinabigla

‘Pagkat kailan lang, ika’y nakahiga

Ang damit mong puti’y magarang-magara

Iniiyakan ka ng bayan at madla….

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –  

Kasama pa ako ng ika’y inihatid

Sa iyong hantungang maliit na silid

 Ngunit bakit ngayo’y ikaw ay kapiling

Sa aking pagtulog ikaw ay kasiping…

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Tumindig ang aking mga balahibo

Buo-buong pawis sa mukha ko’y tumulo

Hindi malaman ang tamang gawin ko

Kapiling ko ngayo’y maalindog na multo!

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Kaluluwa mo’y tila nag-paalam

Sa aking pag-gising ‘di ka na namalayan

Iyong pag-babalik ay inaabangan

Kailan ka makikita’t muling mahahagkan!

SENADO

  “KILALANIN SILA! ANG MGA ALWAYS READY AT ANG MGA ALWAYS GREEDY”  

Marahil ay hindi natin kilala

Ang mga miyembro ng ating lehislatura

Matapos ang kanilang pangangampanya

Tanong ng marami, “Sino ba sila?” 

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Ibat-ibang katauhan sa loob ng Senado

Ibat-ibang larawan ng mga pulitiko

Subalit bakit tila di kilala ng tao

Ang mga Senador na kanilang ibinoto. 

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Loren LegardaSi Loren Legarda ang naging number one

Nooong idinaos ang nakaraang halalan

Ibinasura ng korte ang kanyang kahilingang

Si Noli De Castro umano’y nandaya lang. 

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Bagong pasok naman sa loob ng Senado

Itong batang-batang kapangalan ng keso

Mahabang nanungkulan sa Mababang Plenaryo

Ngayo’y naglilingkod si Chiz Escudero. 

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Panfilo M. LacsonSa kuratong baleleng nadawit siya noon

Dili umano si Dacer sa lupa’y ibinaon

Naging Hepe ng pulisya ang taga-oposisyong

Presidentiable daw na si Panfilo Lacson. 

 – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Alan Peter Compañero S. Cayetano“It’s none of your business” sabi ng Unang Ginoo

Sa matapang na si Allan Peter Cayetano

Ngunit may nagsasabing alanganin daw ito

Sa gabi’y siya’y si Petrang naroo’t nagdidisco. 

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

M.A. MadrigalSi Jamby Madrigal ay isang mayaman

Ngunit kung titingnan mo ay walang nalalaman

Sa masang Pilipino ay nagpapapansin lang

Pagboto sa kanya’y dapat pagsisihan. 

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Kiko PangilinanAsawa naman ng bigating Artista

Butihing kabiyak ni Sharon Cuneta

Si Kiko Pangilinan kapuri-puring talaga

May bahid din kaya ang mga kamay niya? 

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Jinggoy Ejercito EstradaSana naman ay di magmana sa kanyang ama

Itong kamukhang si Jinggoy Estrada

Lintik kung bumanat kay Pangulong Gloria

Sa Senado kaya’y mayron siyang nagagawa? 

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Juan Miguel ZubiriBoom tarat tarat ang theme song nung kampanya

Sa batas ng biofuel nagsilbi siyang ama

Humabol sa listahan ng panlabing dalawa

Si Migz Zubiri na laging nakatunganga.    

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Juan Ponce EnrileUugod-ugod man ay walang tatalo

Sa pakikipagtalo kay Enrile sa Senado

Subalit sabi nya’y bababa ang MERALCO

Bakit kaya napako ang kanyang pangako? 

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Miriam Defensor SantiagoMadalas mapagkamalang may sira sa ulo

Ang batikang Senador na si Miriam Santiago

Ngunit isa ito sa aking paborito

Lalo na pag nagwowalk-out sa loob ng Senado. 

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Manny VillarSa sipag at tiyaga raw nagmula ang yaman

Ni Manny Villar na nagbabalak lumaban

Sa pagka-Presidente sa darating na halalan

Teka muna, teka muna, mag-isip ka kaibigan. 

 – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Joker P. ArroyoPag bad ka, lagot ka, ang kanyang naging motto

Nitong ating Senador na di marunong magbiro

Pumuti ang buhok sa pagseserbisyo

Isa kang dakila, Sen. Joker Arroyo!

 – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Rodolfo G. BiazonSi Rodolfo Biazon ay hindi mo malaman

Kung papanig kay Gloria o kung siya’y lalaban

Isang balimbing na prutas ang kanyang larawan

Sa loob ng Senado’y natutulog lamang. 

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Sunod naman ay isang laos na artista

Itong si Lito Lapid na may interpreter pa

Ano ang silbi nya? Anong nagagawa?

Ang sagot sa ati’y wala po, wala! 

 – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Isa pang action star na paborito ng masa

Ang pagdinig sa Senado akala niya’y pelikula,

Pinagsisisihan ang pagboto ng masa,

Sa palpak na Senador na si Bong Revilla. 

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Edgardo J. AngaraAno ba ang nagawa ng Senador ni Sarrah?

Buhay daw natin ay magiging magara

Ngunit bakit hindi natin nakikita

Ang mga pangako ni Edgardo Angara? 

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Aquilino Q. Pimentel, Jr.Siya noo’y number one na taga suporta

Ni Pangulong Arroyo pinasumpa pa sa EDSA

Ngayo’y nagsisisi sa kanyang ginawa

Si Aquilino Pimentel, ngayon ay ANTI-GLORIA. 

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Anak ng dating babaeng Pangulo

Itong bagong mukha sa loob ng Senado

Kahit lumapad na ang kaniyang noo,

Patuloy na naglilingkod si Noynoy Aquino. 

 – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Antonio F. Trillanes IVAng tanging Senador na nakabilanggo

Ay itong si Trillanes na dating Sundalo

Ilang beses nag-aklas laban kay Arroyo,

Wala namang naging silbi sa loob ng Senado. 

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Batikan din sa larangan ng mga kudeta

Nang huhulihin ng pulis ay tumalon pa sa bakod niya,

Si Gringo Honasan na mukha ng EDSA

Sa Senado kaya’y kailangan pa ba siya? 

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Pia S. CayetanoAnak naman ni Senador Compañero,

Itong huling babaeng si Pia Cayetano

Pinagkatiwalaan ng Sambayanang Pilipino

Ano ba ang nagawa ng babaeng ito?? 

 – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Isa pang nagbabalak na maging pangulo

Ay itong Senador na taga-Olonggapo

Si Richard Dick Gordon, Butangero ng Senado!

Di na dapat maglingkod, tulad nyang tarantado!

   – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Mar A. RoxasAng pangarap naman nitong si Korina

Ay maging Pangulo ang kanyang sinisinta

Upang sa Malacanañang ay magbuhay reyna

Pag nanalo si Mar Roxas pakakasal na siya!

 – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Mga kababayan, mga Pilipino

Ang mga bumubuo nitong ating Senado

Lahat sila’y pawang tiwaling pulitiko

May dungis ang kamay, ninanakawan ang tao!!   

(Handa kong harapin kung sakaling ako’y idemanda ng mga Senador na aking binanatan sa akdang ito. Naniniwala ako na ang ilan sa ating mga Senador ay tapat at mapag-kakatiwalaan samantalang ang karamihan ay kurap at magnanakaw. Mariin kong nililinaw na ang mga pahayag na nakasaad sa tula ay opinyon ko lamang bilang may-akda. -G. Anastacio Cruz)

  

PANGARAP…

Marami sa ati’y minsang nangangarap

Umunlad ang buhay, makaahon sa hirap

Tila kayamana’y parati nating hinahanap

Datapwat ika’y nakatingala sa ulap…

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Minsa’y tinuran ng paslit na bata

“Pangarap ko”, ika’y “maging isang dentista”

“Kaya’t ako ngayo’y narito sa eskwela”

Upang aking matulungan ang aking mga kapwa…

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Pangarap naman ng may edad kong katoto

Nawa ay palaring tumama sa lotto

Anupa’t hangad niya’y maging milyonaryo

Upang matugunan ang lahat ng bisyo…

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Lumipas na nga ang may dalawampung taon

Pangarap ni katoto’y nanatiling imahinasyon

Samantalang ang bata’y dentista na ngayon

Maliit ang sweldo sa liblib na nayon…

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Nang kami’y magkaharap ng paslit na bata

Kanyang tinuran “lubos akong maligaya”

“Pagkat kahit papaano ay nakamit ko na”

“Ang aking pangarap, ang aking ninanasa”…

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Ang bawat pangarap, inyo sanang tandaan

Hindi nakukuha sa rangya’t palakihan

Pagkat bawat pangarap, tiyak mong makakamtan

Kung pagtitiisan at paghihirapan…