ABOUT

  

 

 

Ang BALAGTAS WEB BLOG ay sinimulang itaguyod ni G. Anastacio J. Cruz, noong taong 2007, sa pamamagitan ng (wordpress.com). Layunin ng BALAGTAS WEB BLOG na itaguyod ang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin (freedom of expression), at ang kalayaan sa pagsasalita (freedom of speech). Ang BALAGTAS WEB BLOG ay isang pintuan patungo sa katotohanan. Malaya ang mga mambabasa na magpahayag ng kani-kaniyang saloobin, damdamin, isipan, kuro-kuro, opinyon, reaksyon, pala-palagay, prinsipyo, atbp. Hindi kailanman pinipili ng WEB BLOG Administrator ang mga komento ng mga mambabasa maging ito’y positibo o negatibo. Para sa amin, handa kaming tanggapin ang anumang magiging tugon ng mga mambabasa sa aming mga artikulo.

Si Anastacio Cruz, na pangunahing manunulat sa WEB BLOG na ito, na siya ring nagtatag, ay isang manunula at manunulat. Pinaghalo-halong dugo ng Marikeño, Nueva Ecijano at Kapampangan ang nananalaytay sa kanya. Isa siyang Alagad ng Panulaang Pilipino mula noong siya’y anim na taong gulang pa lamang. Kinikilala siya ng mga malalaking institusyon sa ibat-ibang larangan dahil sa kanyang mga natatanging akda at hindi mabilang na pagtatanghal sa pagtula. Narito ang ilan sa mga institusyon at personalidad na kanyang nakasalamuha;

Cultural Center of the Philippines

Rotary Club of Marikina

Rotary Club of NCR

Inner Wheel Club of Marikina

Inner Wheel Club of NCR

Inner Wheel Club of the Philippines

City Government of Marikina

Municipality of Jaen, Nueva Ecija

Marikina City Council

Department of Education

Marikina Division Office

Marikina District Office

First Lady Imelda Marcos

First Lady Loi-Ejercito Estrada

Former Sec. Gemma-Cruz Araneta

Don Jaime Zobel de Ayala

Ms. Lucresia Kasilag

MMDA Chairman Bayani Fernando

Marikina Mayor Marides Fernando

Marikina Vice Mayor Marion Andres

Siya ay humakot ng mahigit talumpung (30) medalya sa larangan ng pagsulat at pagbigkas. Naging artista ng Villa Teatro sa loob ng limang taon kaya’t lalong naging batikan sa pagtatanghal sa entablado. Naging daan ang Teatro upang siya ay gumanap sa ilang Indipendent Films tulad ng “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” sa ilalim ng UFO Productions at Cinemalaya. Naging kasapi/opisyal din ng ibat-ibang organisasyon tulad ng;

Tañong High School Chorale - Former Vice President/ Alumni Officer

Mass Communications Club of Rizal - President

Boses Upang Samahang Ingatan ang Nayong Atin – President

Young Writers Association of the Philippines - Member

Team Chiz Escudero - Member

CCP Makata Organization - Member/Talent

Laban ng Masa - Member

Kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Arts in Mass Communication Major in Filipino Broadcasting. Adhikain niyang suriin ang mga saloobin ng mga mamamayan sa ibat-ibang isyu na nagaganap sa kasalukuyang panahon. Makakaasa ang mga mambabasa na kaakibat ninyo ang BALAGTAS WEB BLOG sa pakikibaka para sa katotohanan. Para sa anumang maitutulong ng BALAGTAS WEB BLOG, makipag-ugnayan sa pamamagitan ng;

E-mail:

anastaciojcruz@gmail.com

dotpinsociety@yahoo.com

Cellphone:

09185529202 (SMART)

Umasa kayo na kayo ay aming tutulungan sa abot ng aming makakaya. Hayaan ninyong gamitin namin ang salitang binitiwan ni Kgg. Sen. Francis “Chiz” Escudero;

“Bata pa lang ako ay mahilig na akong mangarap. Sa pangarap, ang buhangin ay nagiging bato, ang halaman ay nagiging gamot, ang kahoy ay nagiging upuan sa eskwelahan. Sa pangarap nagsisimula ang pag-unlad.”

Kaya’t simulan na nating pangarapin ang isang malaya, mapayapa, at bagong Pilipinas. Simulan na nating mangarap…….NGAYON!