Humampas ang hanging malakas na malakas
Umagos ang tubig na lumalagaslas
Sa iyong larawang nakagigilalas
Ang aking katinua’y marahang tumakas…
- – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - –
Hinagkan mo ang aking tigang na katawan
Malamig mong kamay, gumapang na marahan
Dinilat ang mata at ika’y pinagmasdan
Sumilay sa akin angkin mong kagandahan…
- – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - -
Ang iyong pagdating lubos kong ‘kinabigla
‘Pagkat kailan lang, ika’y nakahiga
Ang damit mong puti’y magarang-magara
Iniiyakan ka ng bayan at madla….
- – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - -
Kasama pa ako ng ika’y inihatid
Sa iyong hantungang maliit na silid
Ngunit bakit ngayo’y ikaw ay kapiling
Sa aking pagtulog ikaw ay kasiping…
- – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - –
Tumindig ang aking mga balahibo
Buo-buong pawis sa mukha ko’y tumulo
Hindi malaman ang tamang gawin ko
Kapiling ko ngayo’y maalindog na multo!
- – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - –
Kaluluwa mo’y tila nag-paalam
Sa aking pag-gising ‘di ka na namalayan
Iyong pag-babalik ay inaabangan
Kailan ka makikita’t muling mahahagkan!
Filed under: Akdang Pampanitikan, Balagtas, Filipino, Tula | Tagged: Balagtas, Filipino, panitikan, pilipino, Tula, wika
nc1^_^
ang tula, pag naintindihan mo kaagad sa unang pagbasa mo ng taludtod,iyon ay hindi maaaring tawaging tula,kundi isa lamang iyong tugma,kailangang itago din ito sa malalalim na salita.
so,ang layunin mo pla ay para gisingin ang natutulog na damdamin ng madla?cnxa ka,inaantok ako sa mga akda mo,
walang kalasa-lasa,parang kape’ng walang asukal,
walang kamina-mina.maryosep.
thanks for droppin’ by my site..wow..i’m a fan..=)