Sa bawat kampay ng baso sa inuman
Tila ang langit ay aking namamasdan
Sa bawat pagtagay tumatakas ang katinuan
Walang nakikita’t walang pakiramdam….
- – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – -
Marahang napapawi ang lungkot at hapdi
Ng malupit na kapalarang namamayaning lagi
Sa bangka ng usapa’y taglay ko ang ngiting
Hindi nagagawa sa normal kong sandali…
- – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – -
Tuloy ang ikot ng punong-punong baso
Pinaiibabawan ng tipak ng yelo
Sa aking paglunok, pikit ang mata ko
Sabay dukot ng pulutang manok na adobo…
- – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – -
Nang ako’y magkatama, tila ibig ko pa
Na lahat ng alak ay dalhin sa sikmura
Kasabay ng pag-awit nitong aking barkada
‘Di ko na namalayang parating na ang umaga…
- – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – -
Nagising na lang ako at dagling napakamot
Tila nagmuni-muni’t nagpunta sa sulok
Pag-uwi ko pala’y ibig kong mag-amok
Kaya asawa ko’y agad akong pinalukpok…
- – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – -
Tayo’y uminom! Ganyan lang ang buhay
Ngunit paala-ala sa iyong pagtagay
Pagkatapos nito’y umuwi sa bahay
Sa susunod tayo’y iinom ng Tanduay!!!
Filed under: Akdang Pampanitikan, Balagtas, Filipino, Tula | Tagged: alak, aral, Balagtas, inspirasyon, Kultura, lasing, makata, panitikan, pilipino, tanduay, Tula
alak pa…..
great poem .. ù